Gabay
Paano gumagana ang LIGA
Isang bagay lang ang sinusubukan naming ayusin: hindi mo alam kung mababayaran ka ng taong pinapadalhan mo ng ₱400.
Para sa manlalaro
Tingnan muna ang organizer
Ilang tournament na ang natapos nila? Magkano na ang naibayad na kinumpirma ng mga nanalo? May bukas bang reklamo?
Isali ang koponan bago magbayad
Libre ang pagsumite. Magbayad ka lang kapag panatag ka na sa nakita mo.
I-upload ang resibo
May tala na kayong dalawa kung sino ang nagbayad, magkano, at kailan.
Kumpirmahin ang premyo
Kapag nanalo kayo at naipadala na ang premyo, ikaw ang pipindot ng kumpirmasyon. Kung hindi dumating, may pindutan para magreklamo — at nakikita iyon ng lahat.
Para sa organizer
Ang problema mo ay hindi kakulangan sa kakayahan. Ang problema mo ay kamukha mo ang manloloko sa mata ng koponang hindi ka pa kilala. Ito ang gamot doon.
Gumawa ng tournament
Isang link ang ibabahagi mo, hindi walong screenshot sa group chat.
Aprubahan ang koponan, beripikahin ang bayad
Nakikita mo ang roster at ang Game UID, kaya hindi basta makakapasok ang ringer.
Buuin ang bracket
Single elim, double elim, o round robin. Awtomatiko ang pag-usad ng nananalo.
Bayaran ang nanalo at itala
Ito ang bahaging bumubuo ng record mo. Ang kumpirmadong bayad lang ang bumibilang.
Ang hindi namin ginagawa
Hindi kami humahawak ng pera. Direkta sa organizer ang bayad ninyo. Wala kaming escrow, wala kaming hawak na pondo.
Hindi kami tagahatol. Ang organizer ang unang lumulutas ng reklamo. Pumapasok lang ang admin kapag hindi nila naayos.
Hindi kami nagbibigay ng legal advice. Ipinapakita namin kung nasaan ang linyang ₱10,000 ng GAB. Sa organizer at sa abogado nila ang desisyon.
Hindi kami nagbebenta ng bituin. Walang paid rating, walang boost, walang review na kayang bilhin.