Legal
Mga patakaran
Huling na-update: August 11, 2026
1. Ano ang LIGA
Ang LIGA ay isang plataporma para sa pagtatala at pamamahala ng mga lokal na esports tournament. Kami ay tagapagtala, hindi tagapag-organisa. Hindi kami partido sa anumang kasunduan sa pagitan ng organizer at ng koponan.
2. Hindi kami humahawak ng pera
Direktang ipinapadala sa organizer ang bayad sa rehistro at ang premyo. Walang hawak na pondo ang LIGA, at wala kaming ginagampanang papel bilang escrow o payment processor.
3. Pananagutan ng organizer
Ang bawat organizer ang mananagot sa katotohanan ng inanunsyo nilang premyo, sa pagbibigay nito, at sa pagsunod sa lahat ng naaangkop na batas at permit, kasama ang mga alituntunin ng Games and Amusements Board para sa professional e-sports.
4. Edad
Kailangang 13 taong gulang pataas para gumawa ng account. Kailangang 18 taong gulang pataas para maging team captain o organizer, dahil sila ang pumapasok sa kasunduan at tumatanggap ng premyo. Maaaring maglaro ang mga menor de edad sa ilalim ng nakatatandang kapitan, na may nakatalang magulang o guardian.
5. Ang record
Ang mga bilang sa Trust Card ay galing sa mga tala sa sistema at hindi maaaring baguhin ng organizer. Ang bukas na reklamo ay nananatiling nakikita hanggang malutas o mabasura. Hindi kami tumatanggap ng bayad para baguhin, itago, o itaas ang record ninuman.
6. Ipinagbabawal
Bawal ang pustahan sa resulta, anumang elemento ng tsansa na may kapalit na pera, ang paggamit ng account ng iba, ang pagpapasok ng manlalarong wala sa rehistradong roster, at ang mapanirang asal sa ibang gumagamit.
7. Pagsususpinde
Maaari naming suspindihin o alisin ang sinumang lumalabag sa mga patakarang ito. Kapag na-ban ang isang organizer, kinakansela ang lahat ng kanilang bukas na tournament at aabisuhan ang mga nakarehistrong koponan.
8. Hindi legal advice
Ang anumang impormasyong pambatas sa plataporma, kasama ang tungkol sa GAB at sa buwis, ay pangkalahatan lamang. Hindi ito legal advice at hindi ito kapalit ng abogado.